naaalala pa rin kita syempre naman - lalo na pag kumakain ako. mahilig ka magluto, magturo magluto, at kumain ng niluluto. marunong na rin ako magluto, pero hindi kasing galing mo. pa-pritoprito lang ako,pero marunong naman ako magluto ng sinigang. naituro mo pa sa akin yun, eh. pero hindi ata kasing sarap nung gaya ng sayo, wala pa akong secret ingredient na hindi na secret kasi sinabi mo sa amin. miss ko na luto mo.
naaalala kita kapag napapakain ako ng sobra sa iba't-ibang kainan. naaalala ko pa noon, kapag sinusundo mo ko sa school, foodtrip pa tayo ni mike. kain ng fishball sa labas ng school, bumili nung maasim na chichiria, mag-lunch sa restaurant na laging may kasamang apple na pormang barko ang mga sine-serve nila, mag-sundae sa mcodnald's, at dumain sa karinderya para bilhan nga papaitan si mama. oo, naaalala ko pa yon.
naaalala kita kapag nakikinig ako ng 96.3 Wrock. aside sa mga news sa radyo, yan lang ata ang radio station na pinakikinggan mo. natutuwa ka dati kasi alam ko rin yung mga lumang kantang paborito mo. tinuruan mo kaming i-appreciate ang words ng kanta at hindi lang yung kung ano ang uso ay makiki-sawsaw na rin kami.
naaalala kita kapag may matalinong tao. kahit hindi ka naging first honor, eh grabe naman ang knowledge mo sa lahat ng bagay. paborito mo history at geography, di ba? galing talaga
naaalala kita kapag naririnig ko ang salitang "kamukha". tawag mo yun sa kin, eh. shempre. naaalala ko pa noon nung bumisita ka sa cebu tapos sinusulatan mo ko, "kamukha" ang pangalan ko sa sulat mo.
naaalala kita kapag may nakikita kong pinapasan na tao. pinasan mo rin ako dati nun. alalang-alala ko pa yun. umuulan nun, galing akong school. tapos bumubusina na yung service kasi bababa nako. ginawa mo, lumabas kat sinalubong mo ko tapos binigay mo sa aking yung payong tapos pinasan mo ko para di ako madulas. pa-baba kasi yung tinitirhan natin dati.
naaalala kita kapag nagjo-joyride ako. naaalala ko kasi yung pasko ng 2002. ni-request kong libutin natin ang buong lapu-lapu kahit na ako ang magpa-gas at pumayag ka. masaya ko nun. nag-enjoy talaga ako.
naaalala kita kapag may problema ako. kasi kapag may mga problema na dumarating noon tapos di ko na kaya, basta nandiyan ka feeling ko gagawan mo ng paraan,eh. nakaka-miss yung ganun.
naaalala kita kapag naririnig ko yung "the best things in life are free". ganun yung personality mo, eh. yung ang kaligayahan hindi nababase sa mga material na bagay. masaya ka na sa kumain ng halo-halo kela manang avon, umorder ng sandamakmak na siopao sa mga madre na chinichismis na pumapatay ng pusa, makita ang pagsikat ng araw, maligo sa dagat ng ora mismo at walang plano-plano, kumain ng pinaka-masarap na pagkain kahit out-of-budget at kalimutan ang bukas, mag-travel sa kung saan saan kahit abutin ng hating-gabi, kumain ng adobo sa dahon ng saging, kumanta ng malakas kahit nasa kalsada at maraming nakakarinig, manghingi ng pagkain sa mga kumakain sa jollibee, sumayaw kahit nasa public place, tumawa ng matagal.
naaalala kita palagi, araw-araw sa iba't-ibang rason at sa iba't-ibang paraan. miss na miss na nga kita, eh. sobra. masaya sana kung nandito ka pa. ang dami kong gustong sabihin, isumbong, ikwento at kung anu-ano pa. ang dami mo pang hindi naituturo sa akin. ang dami pa sana nating nagawa, pero ayos lang alam ko namang mas masaya at lahat sugar-free diyan.
I LOVE YOU, MANUEL P. LUMONGSOD Jr.! belated happy birthday and father's day. mahal kita.
~













--
Sing us a song
And we'll sing it back to you.
We could sing our own
But what would it be without you...
--
we can't be kids forever
-nara shikamaru
proud member of [link]
--
I'm really just tired. :/
no
wait.
I'm just procrastinating.
--
we can't be kids forever
-nara shikamaru
proud member of [link]
--
I'm really just tired. :/
no
wait.
I'm just procrastinating.
panahon na para mag-bago.hahaha.
--
we can't be kids forever
-nara shikamaru
proud member of [link]
--
I'm really just tired. :/
no
wait.
I'm just procrastinating.
Previous Page12345...Next Page